Oo aminado ako, naging stalker ako. Naging, kasi dati ginawa ko, ngayon, mauult ulit.
Stalker ako ng lahat ng Social Networks na mayroon siya. Stalker ako ng iniistalk niya. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa kailangang malaman ang status niya everyday kahit nasasaktan lang ako. Na kung bakit natitiis kong tinganan ang mga newly uploaded pictures nila, at isa-isahin ang mga photo comments nila. Para updated?
Mahirap pag nakikita mo ang isang tao na masaya at ikaw ay hindi. Masaya siya kasi nakatagpo ulit siya ng mamahalin at ikaw, ayan magisa ka lang. Yes, madami nakapaligid sa iyo, marami kang kaibigan pero ang tanging hinihiling mo, maulit ulit ang mga sandaling kayo lamang ang na sa paligid. Kung pwede ako na lang ulit sana. kung pwede bumalik ka ulit at kung pwede, kung pwede...(wala na ako maisip) Pero sana ang mga kung pwede ko ay marinig. Kahit isang araw lang, isang araw na parang tulad ng dati natin.
Wala ng mas sasakit pa kapag nakikita mo siyang MAS MASAYA kaysa sa saya ninyo noon. Na lahat ng mga pinag-usapan ninyong pangarap sa future, sila naman ng bago niya ang pumaplano. Na hindi na ikaw ang nilalambing niya, na kapag naalala mo siya kung paano maglambing sa iyo dati noon, iniisip mo kung ganun din ba siya sa bago niya o higit pa.
Sa lahat, ang mahirap kalimutan ay ang mga memories at pangalawa ay iyong taong iyon. Mga alaala na na nagpapangiti sa atin kahit ga-bundok na ang problema natin. Kapag nadadaanan ko dati ang mga lugar na magkasama kami, tingin ko napakasaya ng lugar na iyon, pero ngayon lumungkot na ito, parang nawalan na ito ng buhay, nawalan ng mga tawanan at masasayang tao, tahimik at walang kadating-dating, at naging luma na.
Hindi ko alam kung swerte ka dahil nabasa mo ito, malas ka nga kung tutuusin dahil it will just be another written blog by a broken hearted person. Normal iyon, dahil naniniwala ako na kailangan may paraan ang isang tao na ilabas ang mga saloobin niya, mapa-blog, sa kaibigan, sa inuman, o sa sakit man yan ng katawan, kailangan! Maniwala ka, sasabog ka kapag itinago mo lang yan sa sarili mo, gaya ng nangyayari sa akin ngayon. Pinapatahimik ko ang mga taong gustong mag-comment sa akin. Pinipili ko ang gusto kong pakinggan. Kaya heto, gustong-gusto ko ng ilabas hindi ko na mailabas, nahihirapan na ako sa bigat, hindi ko na kaya i-manage ang emotional aspect ng sarili ko. Kaya ngayon pupunta ako sa kaibigan ko,doon ko ilalabas ang lahat-lahat at iiwan na din doon ang mga problema. Kailangan mo lang naman ay isang taga-pakinig at taga-unawa. Ayon lang, and let them you do the talking. Kahit bullshit na usapan yan, obliged sila mag-shut up para hindi ka na umulit pa kaka-emo dahil maski sila, bingi na sa kakasabi mo na naka-move on ka na.
Move on. Dumadami ang stages nyan sa isang sawing puso. Humahaba at dumadami ang katawagan. Ang sakin lang naman kung hindi mo tanggap, hindi ka pa naka-move on. Ayon lang iyon, ACCEPTANCE. Kung sinasabi mo na nakalimutan mo na siya, pero ang memories ninyo hindi pa, hindi ka pa naka-move on. Kung galit ka pa rin sa ginawa niya, hindi ka pa rin naka-move on. At kung nakipagrelasyon ka ulit sa taong hindi mo mahal para lang makalimutan siya, hindi ka pa naka- move on, masamang tao ka pa!
Mahabang panahon ito, alam ko darating din ako sa time na iyon. Mahal ko siya pero hindi ako tanga para patuloy ko pang mahalin siya. Masaya siya and I deserve to be happy too. Darating din ang taong magpapasaya sa akin ulit, na ipapakita kung gaano kasarap magmahal. Dahan-dahan lang, it will be a blessing in disguise for me. Sana may napulot kayo sa post na ito, hindi dahil sa mga payo ko kung hindi sa mga hindi ko naipayo. Ma-improve nyo pa sa sana ang mga advice ko. Gawin ninyo ang mga hindi ko magagawa. Salamat sa oras na inilaan ninyo sa post na ito.
Oh, mag soundtrip ka muna, makaka relate ka dito.
At kahit malungkot ako ngayon, naniniwala pa rin ako na sa pagmamahal, walang maling tao, mali lang tayo ng interpretasyon sa kanila at sa kanilang ginawa.
ReplyDelete