YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз


Saturday, February 6, 2010

MY NIFTY PLACE

Matapos ang mga scary na bagay, eto naman ang mga COOL na kwento 


Hello, ako nga pla si Lhentot. Kamusta?

Masayain siya. Mababaw ang kaligayan ko dahil kahit tingnan mo lang ako ng seryoso, matatawa na ako sa itsura mo. Hindi dahil masama ang itsura mo, dahil gusto ko lang mahawa ka sa tawa ko. Gusto ko kasi makita ang mundo na tumatawa, lalo na ang mga taong nakatira dito.

Self-proclaimed artist. Hindi dahil sa Mass Comm student ako, dahil alam ko na may arte talaga ako sa lahat ng aking gagawin. Parang last week lang, kailangan namin ng rush na video para sa enviroment. Tinanong ako ni Pearl kung ano pwedeng concept, nagtaka siya sa akin kung bakit hindi ko na siya kinausap. Maya-maya mga after 5 minutes, bigla ako sumigaw, "Alam ko na concept natin!" Bigla na lang ako kasi nawawala sa pag-iisip pag pinipiga ko ang utak ko para maging creative. Isa pang example ay iyong pag-edit ko ng video, hindi ako natulog matapos lang ang video na iyo. Mga 11pm ako nakarating ng bahay noon, nag-install ako ng Adobe premiere at habang hinintay ko iyon matapos, nag-Facebook muna ako. At nang natapos na, naglaro muna ako ng dota hanggang 6am. Doon ko lang naisipan na mag-edit. Oha oha!

Mapagmahal. Alam na alam ng mga close friends ko iyan. Oo, tingin ko swerte ang magiging bf ko kapag minahal ko sila. Tingin ko lang naman iyon huh! Naniniwala kasi ako na ang good ingredients ng isang relationship ay Trust, Premiere at Durex. Este, pagtitiwala, kalayaan, at komunikasyon. Hindi ko kinukulangan ang pag-aalaga, pag-uunawa at paglalambing. Hindi ko din naman sinosobrahan ang pagseselos, paghihigpit at  pagtatampo. Kaya, kun sino man ang mapili ko ulit, swerte ka boy!

Dreamer. Masarap mangarap hindi ba? Kahit pangarap lang na kumakain ka ng lobster, ang saya diba? Wala naman masama mangarap, pero mas masaya kung gagawin mo iyon. Katulad na lang ngayon, nilalambing ko si Papa, para kumain kami bukas sa Dampa at makakain ako ng lobster. Marami kasing tagumpay na nag-umpisa sa pangarap lang. Kaya, sige suportado kita kung ika'y mangangarap, mas lalo na siguro kung gagawin mo iyon. Pero, huwag naman sana eh pangarapin mo na mapangasawa si Brad Pitt o kaya naman magkaroon ka ng pakpak. Napaka-imposble naman kasi nun.

Love Bitches. Beaches yan Trip ko lang ang ganyang spelling. Hindi ako marunong lumangoy at lalo na siguro ang lumangaoy sa dagat sa kainitan ng araw, mas gugustuhin ko pang mag-swimming sa pool but my heart melts kapag ang scenery ay sunset tapos na sa shore ka lang o kaya naman naglalakad ka sa shore ng gabi at kitang kita ang moon. Nakakatunaw ng puso kung kasama ko ang mahal ko. Yikeee! Excited na tuloy ako sa summer, kaso may kulang, wala akong bompren. Pero oks na din iyon, double ang fun kapag na sa shore ka at nag-iinuman kayo ng mga kaibigan mo with matching bonfire and gitara.

Gusto niya mag-Travel. Hangga't may pera, sigo go, gala lang ng gala. Parang edukasyon lang kasi iyan eh, hindi mo pwedeng maalis sa pagkatao mo maliban na lang kung nagkaroon ka ng amnesia which is 99.9% ang possibility manyari iyon. Maganda ang maka-encounter ka ng bagong paligid at kultura. Marami kang matutunan at mas ma-aapreciate mo ang lugar kay sa mga pictures na nakikta mo sa libro o sa net. Swabeng experience iyon, lamang na lamang ka sa iba.

Alam ko marami pang kulang sa babaeng ito na hindi ko nasabi. Ito lang kasi ang napapnsin niya sa sarili niya. Marami pa siguro madadagdag ang mga kaibigan niyan sa cool side ng personality niya. Tinamad na kasi ako (isa sa mga downside niya) feeling ko kasi tinatawag na ako ng FB. Babush for now!

No comments:

Post a Comment