YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз


Sunday, March 21, 2010

SAMU'T SARI

Sa mahigit isang buwang kong hindi kopagdalaw sa blog ko, ngayon ang chance kong magkwento sainyo. Tatawagin ko itong samu't sari dahil na rin sa mga iba't ibang kwento about sa aking pagkatao, paghihirap para maging tao at pagiging tao muli..

DEVELOPING?

IMY. Grabe miss ko ng pagtuunan ng pansin ang aking sarili. Paperworks, Thesis at Productions: diyan umikot ang mundo ko sa isang buwan. Hindi ako nakakapaglakad ng dahan-dahan, mabilis paligi dahil narin sa mga hinahbol na deadlines. Hindi na ako nakakapagsuklay, hinahayaan ko nalang ang hangin ang mag set ng hairstyle ko. Hindi na rin ako nakakain ng lutong ulam, laging fastfood dahil kailangan FAST talaga ako kumain kung hindi lagot ako! Na-miss ko ang kama at hotdog ko, dahil na rin sa mga pagpupuyat na kaharap ang computer. Hindi na ako sanay uminom, dahil puro Bacchus at Lipovitan Ira ang tinitira ko. Sacrifice ika nga para lang hindi makita ang 5 sa class card. Natuto akong umiwas sa cramming. Na enchace ang skill ko sa editing. Mas lumawak ang creativity ko. Mas lalo ko pang minahal ang kursong kinuha ko. At natutunan ko na maraming mga graduating na hindi karapat-dapat umakyat at magmartsa dahil wala sila talagang ginagawa o naitutulong. Petiks sila for short, dinadaan sa closeness at pera. Dapat maroon talagang individual exam para malaman kung may natutunan ba sila. Hindi ako biiter dahil hindi ako makakasabay sa Batch '10 Graduates dahil alam ko kahit na extended ako, kaya ko buhatin ang sarili ko sa Communication world.

DISREGARDING?

LMAO. Thesis, Paperworks and Productions: Gaya ng sabi ko, sila ang umikot sa mundo ko. Thesis Productions kami kaya 6 kaming miyembro ramdam ko ang salitang HAGGARD. Naiyak talaga ako nung piniprint na ang aming 97 pages na Thesis. Ano pa kaya kung nakito ko itong naka book bind na? Communicating Brotherhood: Understanding Frat Jargons and Symbols. Ayan, ang title namin. DEBATE. This house believes that??? Kahit hindi ka agree sa motion, kung nabunot mo ay government o opposition kailangan mong panindigan. Critical thinking? Tingin ko ayos ang side ko na iyan, natuto akong magreason out. Makipag-debate kung napansin kong may kamalian sa isang sitwasyon. PR: Galing at Talino, Galing at Talino, yan po si Gilberto Teodoro! Ayan, naging trademark ko na siya, after 3 sentences, 1! Naks! Hindi ko aakalain na makakayanan kong magsalita at maging isang political endorser. RTV: Scriptwriting? Nako! Ayos sana eh kaso tagalog. I'm a Filipino kaso may sanay pa ata ako sa salitang banyaga. Ang hirap gumawa ng isang sequence treatment at script kung na sa tagalog form. Hayaan niyo ho, pagbubutihan ko pa ang tagalog ko. Isang malaking buntong hininga! Tapos na ang SY 2009-2010! Masaya, malungkot, productive at cramming.

DIS..DIS..DIS?

ILY. Sa pag-ibig? Walang pagbabago. Nakakalimutan ko nga iyon sa haba ng pilang dapat kong gawin. Busy all day and night kaya no time for love. Iyon ang akala nila, dahil kaya gusto kong busy dahil all the time ginagambala ako nito. Kahit sa puntong tumatakbo na ako dahil late sa class, sisingit talaga siya dahil may maalala lang na isang sitwasyon sa nakaraan. Na ang mga creative writings ko at mga script ay may hawig sa kwento ng love life ko. I know darating din ang panahon na ito naman ang pagtutuunan ko, hinahanda lang siguro ako para masg maging matatag sa susunod na paglalaban. 

Sa lahat, maraming salamat sa tulong at ginawa niyong Rockin' ang SY 2009-2010 at buhay estudyante ko!

\m/

No comments:

Post a Comment