Bilang ako ang tour guide ng mga pinsan ko dito sa Manila, nilibot ko sila. Ang hindi ko lang inaakala na turista din pala ako sa sarili kong syudad :)
Madalas ako sa MOA, dati. Maganda sa parteng likod nito, kung saan andun ang park at ang Manila bay. Marami rin actvities na makikita mo doon like Zorb ball, Bump car at ang nakakatuwang panuorin, ang Bungee fun (nakakatuwa siya dahil sa mga taong sumusubok noon at nagtitili). Mataas pa ang sikat ng araw nang makarating kamidoon kaya pinasya namin na sa loob na lang muna kami ng mall. Trip lang, pumasok kami sa Science discovery. Parang science museum at triple ang high-tech. Ikaw ba naman manuod ng special presentation nila sa isang bilog na sinehan at nakatingala kung saan andun ang screen. Haha para akong batang manghang-mangha :p
Matagal ko ng balak na pumunta sa Eco Park, at kailangan kopang antayin ang mga pinsan ko sa Cebu para makapunta ako! Haha akalain mo, turista nanaman ako? Sayang, kung may DSLR lamang ako, ang sarap mag shoot doon. Maganda ang views. Maraming pwedeng gawin na activities, sayang nga lang at hindi kami nakapag paintball at wall climbing dahil na rin sa sobrang init. Next week punta kami ulit doon, at siguradong ma-ttry ko na yon!
Akalain mo, madami pa pala akong hindi napuntahan sa Rizal Park? Oo, ang pambansang spot pag may field trip. Nung elementary ako, hindi ako nakapunta doon kaya noong college na ako nakapunta at may rason, shoot din. Kaya hindi ko masyado nalibot. Haha oo, masaya, parang elementary lang ako. Kulang na lang ay sumama ako sa mga Koreanong pumpasyal at nagpipicture kay Rizal.
Imba! Imba talaga ang ako! Haha ang dami kong pinapangarap na puntahan sa Luzon pero hindi ko pa nalilibot ang buong Metro Manila. Kahit ito at capital city ng bansa, mayroon pa lang mga lugar na nga-eexist para sa isang bonggang bonggang relaxation. Banyaga pa ako sa sarili kong syudad. Bow!
No comments:
Post a Comment