YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз


Wednesday, July 28, 2010

S.O.N.A. (SON of A bitch)

Wala pa nung MYX wala pa nung MTV
Wala pa nung internet
Wala pa nung ipod at mp3
Wala pa nung cable
Wala pa nung cellphone
Wala pa ring cd or dvd
Meron lang betamax!!!



HOLY COW!
HOLY MOLLY!
HOLY SHIT!


July 28, 2010


Dear Charo,


Nagising ako ng 12pm dahil puyat ako. Binalak kong mag-upload ng pictures ng Anniversary namin sa Facebook. Pag bukas ko ng laptop, walang internet connection! Inangat ko ang telephone, kaya pala walang dial tone! Tiningnan ko ang bill namin, bayad naman kami. Pinasya ko na lang mag-tiyaga sa Smartbro prepaid kung saan bago ka makapunta sa page ng FB, pwede ka munang kumain o kaya naman maligo. Nanunood ang kapatid ko noon ng DVD ng Endless Love (fake copy), kaya nakinuuod muna ako. Maya-maya nawalan ng audio at lumabas ang isang babae na nag sign language! Mali ata ang nabili ng kapatid ko sa St. Francis, may deaf interpreter. Pinasya na lang namin manuuod ng TV, tila ang swerte namin dahil walang cable! Tiningnan ko uloit ang bill, bayad naman! Kaya naisipan kong mangulit na lang sa cellphone, SUPERUNLI25 naman ako kaya tatawag na lang ako. Pag dial ko ng number, sabi ng globe hindi daw enough ang load ko para mag make ng new call. Ay, oo nga pala, naka UNLITXT20 lang pala ako dahil kahapon pa ako nangungulit sa 8888 na makapag register sa unli call pero system busy daw. Halos maubos na battery ko kakatext sa 8888 kaya nag-unli text na lang ako. Ito ang drama ng araw ko ngayon, at siguro mamaya ko pa ito mapopost dahil hanggang ngayon, hindi pa rin kumpleto ang page ng Facebook at 60 pesos na ang nagastos ko sa load. Pipiliin mo kaya ito kaysa mga sulat sa iyo ng iba na trahedya talaga ang buhay? Sige na please, trahedya din ito noh!


Nagmamahal,
Lhentot


P.S.
Pakibigyan naman ng kopya ang PLDT, Destiny Cable at Globe ng sulat ko dahil kung papadalhin ko din sila ng email aabutin ako ng 1 Linggo nito. Wala na akong allowance :c

No comments:

Post a Comment