YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз


Sunday, March 20, 2011

Lenteng Parisukat

Photography. Iyan ang pangarap kong libangan kung may DSLR lang ako. Para sa akin, hindi sapat ang 16.1 mexapixel na digital camera ko para kunin ang gusto kong shot. Gusto ko na sa ayos ang ISO, Shutter speed, at ang Aperture. Hindi lang basta naka-automatic mode, iyong naka-manual. 

Kung nagkataon man na mayroon ako nito, makakagawa siguro ako ng isang Coffee Table Book. Hindi para kumita, kung hindi ipakita ang damdamin ng isang naka-freeze na anyo. Marami ang hindi nakikita ng ating mga mata dahil gumagalaw ito. Para sa akin mas naiintindihan mo ang isang bagay kapag nakatigil ito. Mas nalalaman mo kung totoo ba ito o hindi. 

Sa ngayon, listahan pa lang ang mayroon ako. Listahan ng magiging obra ko.

Una, gusto kong kumuha ng ngiti. At hindi lang basta ngiti. Ngiti na puro, nakakalambot ng puso. Ngit ng sanggol habang natutulog. Ngiti ng matatanda sa mundo. Ngiti ng buhay. Dahil ang ngiti ay nagbibigay insiprasyon, ng pag-asa, pagkakaisa at pagkaka-unawaan.

Pag-ibig ang pumapangalawa. Pag-ibig sa hindi inaasaahang paraan. Pag-ibig na wagas, na malinis at pag-ibig sa Lumikha. Nakikita natin ito araw-araw, ngunit gusto ko itong bigyan ng ibang anggulo. Kung ikaw ay nakatingin ng deretso sa isang puso, kukunan ko ito ng larawan sa likod o sa gilid.

Gusto din kuhaan ang gumagalaw. Kung kukuhaan ko ba ang isang mabilis na sasakyan, mabilis pa kaya itong tingnan? Maingay pa kaya ang isang malaking Tuba kapag ito'y kinunan? Kung ang ulan ba'y kukunan, nakakabasa parin ba ito? Kung ang lahat ng gumagalaw ay kukunan, gagalaw parin ba kaya ito sa litrato?


Gusto kong masagot ang mga tanong sa pamamagitan ng litrato. Gusto ko madama ang damdamin, kahit wala itong tunog at hindi ito gumagalaw. Gusto ko makita ang hindi pa nakikita. Gusto ko mabuhay ang isang patay na litrato. Gusto ko ipakita ang kagandahan para sa akin. Gusto ko makapasok sa ibang dimensyon sa pamamagitan ng lenteng parisukat.


1,2,3 Smile!

No comments:

Post a Comment