YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз YOU GIVE ME BUTTERFLIES DEEP INSIDE εїз


Thursday, March 15, 2012

Ang Facebook, Twitter at si Charice.

Kung ang Facebook ay may Timeline, kung ang Twitter ay may bagong interface, at kung si Charice ay may bagong hairstyle. Ako, may bagong post. Kung sa inyo ay mababaw, pwes sa akin malalim ito. Hindi lang dahil "new post" ito dahil nagkaroon ako muli ng rason na magsulat muli.

Apat na buwan bago ko uli binisita si bespren Blogspot (o blogger). At sa buwan na iyon, marami ang nagbago sa aking anyo, hugis, pananaw at favorite food.

Anyo. Guess what? Maliit pa rin ako, hindi na siguro magbabago iyon at mas lalong hindi ako naging isang avatar. Ibang anyo naman kasi ang aking tinutumbok. Bente dos anyos na ako ngayon, may poging nobyo, nagagawa ang aking gusto, pero corny dahil my curfew na hanggang 10PM. Pina-iklian ko ang aking buhok sa pagaakalang magmumukha akong matanda, pero epic fail pa rin. Mas lalo ako naging isang batang kalye na may hawak na lollipop. Someday magiging  advantage ang aking itsura sa aking edad. Bwahahaha!

Hugis. Oo definitely tumaba ako, ano naman ngayon? It's a sign of richness daw dahil may means ako para bumili ng pagkain. Hihihi. Karamihan ng ang Facebook friends hugis deretso na ang kanilang tinatahak, ako may kautning curve pa. Testing the waters, iyon ang tema ko ngayon. Hindi naman ako stagnant dito dahil gusto ko muna magkamali, madapa at lumuha. Past is past daw, kalimutan at mag move on. Ako, ayaw ko. Gusto ko pa rin ang past ko, ang mga curves ko, hinding hindi ako magmomove on. Habang bata ka, magkamali ka at huwag matakot. Dahil sa pagtanda mo (ehem, mukha pa rin akong bata kapag ganoon) wala na ang mga iyon, natuto ka na sa iyong mga curves. Deretso na, at pataas pa.

Pananaw. Kasama kasi sa pagtanda ay ang pag-iba ng pananaw mo sa mga bagay-bagay. Dati kadiri, ngayon yummy. Dati okay, ngayon hindi na pwede. During my college years, I though that being in a call center (kewwl, szenter) would be a waste of education. High School grad, pwede na. No offense sa mga agents. Ngayon, sa hirap ng buhay,  magiging practical ka. Iba na ang pananaw ko sa kanila. Along with the high pay, comes sacrifices. Sorry po sa mga nasabi ko noon. Same with living in other country. Dati ayaw ko, travel marahil. Ngayon, gusto ko ng magtrabaho sa ibang bansa, malaki kasi ang kikitain ko dun.

Favorite food. Hindi ito chibugan. Hindi ko alam kung mayroong paliwanag ang science kung bakit nag-iiba ang ating mga taste buds. Mayroon pa naman din siguro tayong favorite, pero karamihan iba na ang gusto natin. Dati gusto ko inuman, ngayon kainan at pa-kape-kape na lang. Party dati, eating local cuisines from different parts of the country ngayon. Urban yesterday, today rural. Yan ang peg ko na ngayon. Libutin ang mundo, at kainin ang mga specialities nito.

At dahil sila Facebook, Twitter at Charice ay nagbago, nakiki-uso na din ang buong mundo. Si Facebook hinayaan tayong makita ang ating nakaraan. Napapa-OMG na lang ako sa mga dati kong post. Si Twitter naman, mas pinadali ang ating buhay sa pag tweet. @chuseranglhen. Si Charice? Uhmm.. pwes mahal pa rin naman natin siya kung ano man ang gusto niyang hairstyle diba?

Facebook. Twitter. Charice
Learn. Grow. Accept

No comments:

Post a Comment